Wednesday, January 13, 2010

Age is just a number... Happy Birthday to me!

Totoo namang numero lang ang edad eh. Lalo na sa mga nagkaka-edad na tulad ko. Hehe... Sa mga ka-close ko, alam nila ang tunay kong edad... Sa mga acquaintances, officemates at mga hindi masyadong ka-close, ang alam nila eh 25 lang ako. Di naman kasi makita sa mukha ko ang tunay kong age... Hehe, yabang lang. Anyhow, minsan pag tinatanong ako sa age ko e talagang nagsisinungaling na ko, alam ng mga kaibigan ko yan. Pero, ano ba talaga kasi ang meron sa age eh number lang naman sya??? Naniniwala ako, na nasa maturity ang tunay na meaning ng "age"... Kasi di ba kung mahigit trenta anyos ka na pero isip bata pa rin, eh parang di mo pa rin feel ang pagkatanda mo. Iba naman yung isip bata sa walang pinagkatandaan, parang mas gugustuhin ko na ang mag-isip bata. Inaamin kong isip bata ako, ikaw ba naman maglaro ng Farmville, Petville, at kung ano ano pang games sa FB... Gusto ko ring bumili ng remote controlled helicopter and I love being with kids. Siguro naman ok lang yon di ba? Hehe... So bale, birthday ko ngayon at mahigit nakalipas na ang kalahating araw eh wala pa gaanong nangyayari sa kin maliban sa pagsamba ko kaninang umaga. Natutuwa naman ako kasi ang pumunta sa church and una kong ginawa sa pagmulat pa lang ng mata ko. Tapos, pagdating namin ni mama from worship service, eh inabot sa kin ni papa ang kanyang munting regalo... Tuwang tuwa ako sa gift ni papa--a pair of gold earrings with brilyantitos na heart-shaped :) Thanks pop! :) Tapos, princesa din ako ngayong araw na ito kaya wala akong ginagawa. Si mama lahat ang nagasikaso ng mga kakainin namin ng aking mga churchmates at ang aming kasambahay ang tumutulong on the side :) syempre, birthday ko eh... Minsan lang naman ako magbirthday di ba? Hehe... So, ilang oras na lang eh dadating na ang mga church friends ko at excited na ko kasi kasama yung minister namin... Excited ako kasi alam kong ipepray over nya ko--yun na siguro ang best gift na matatanggap ko kasi alam ko isa sa ipepray nya for me eh ang magandang future... So bale no, as expected, nagstart ang aking birthday dinner with a prayer from our minister. Tapos kainan na! My birthday menu: Baked Spaghetti, Hawaiian Delight, Lumpiang Shanghai, Coffee Crumble and Super Chocolate Ice Cream for dessert. Natuwa ako and si mama kasi nagustuhan ng mga visitors ang hinanda namin. Picture picture on the side, tapos kwentuhan. Happy din ako kasi yung church friend ko na galing pang Ilocos at gusto ng umuwi eh mejo nagstay pa ng konti. Ayun, matapos ang sandamakmak na tawanan at asaran over our dessert, eh tapos na ang mahalagang araw na ito at natapos sya na may ngiti ako sa king lips :) ...pano ba naman, lahat halos ng bumati sa kin eh isa lang ang wish for me, kung ano yon? Sa kin na lang yon... hehe. At alam kong matatanggap ko na ang wish nila para sa kin... Happy Birthday to me!!! :)

Note: ang birthday ko ay Jan. 14, kaso, due to Blogspot's admin's timezone, eh Jan. 13 ang date nila kahit na 14 na dito sa Pinas... asar!

Monday, December 21, 2009

Mistress of Ceremony: My Baptism of Fire

Our Sales and Business Development Group held their annual Sales Awards Night at the Makati Sports Complex and one of their MCs is... yours truly. It was my baptism of fire since this was my first ever hosting stint. Anong alam ko sa paghohost eh may stage fright nga ako... Kamusta naman...
Thursday sinabi sa kin ang aking magiging trabaho sa event at pinakiusapan lang ako ng HR... Hindi ako makatanggi kasi syempre humihingi din ako sa kanila ng favor. So bale no, kami pa pala ang gagawa ng programme, bakit hindi ang SBD ang gumawa eh event nila yon?! So ang programme, script at mechanics ng gagawing games ay kami ang gagawa... Hindi ko muna inisip yung mga yon kasi baka mastress ako. So, I let the day pass na hindi iniisip kung anong gagawin para sa event.
Friday, matapos kong gawin ang reports ko eh naghagilap na ko sa internet ng mga scripts ng MCs. Ang dami ko ng nakita pero wala namang akma sa event na ihohost namin. So, mejo kinakabog na ko at tinawagan ko na ang aking magiging co-host from HR. Pagtanong ko sa kanya kung may binigay na bang details ang SBD sumagot sya ng "wala pa". Parang ako "ANOOO?! This is their event, they should be the one in charge of this!" umiinit ang ulo ko... So mejo kumalma muna ako at hinayaang icontact ng aking co-host ang Asst. Manager sa SBD. Bale, nagbigay na sya ng mga names ng winners---yun pa lang. Kaya, after lunch, umakyat na kami sa SBD department at nagmeeting with the AM. Dun namin napagusapan ang mga magiging kaganapan sa Lunes. So, after ng aming mini meeting e nagtry ako gumawa ng script at sinend sa aking co-host. Inedit edit na lang ni co-host ang aming magiging script at yun na ang gagamitin namin sa Monday. Kaso... kulang pa pala yung list ng mga awardees so, hanging kami... Since it's a weekend, eh hindi ko muna inisip yung mga dapat pa naming gawin sa Monday... ayoko maspoil ang aking weekend no!
Monday na... The big day. Nagka-cram na kami ng aking co-host kasi ilang oras na lang eh Awards Night na. Hindi pa pala final ang aming script dahil may mga nabago... Maryosep talaga! kinakabog na ko! Nagpray na lang talaga ko ng bonggang bongga kasi wala namang ibang makakatulong sakin... So bale no, naayos ang script, napractice na namin ang mga sasabihin namin pati ang facial expressions... So game na! Super kinakabog na naman ako so before kami umakyat sa entablado (naks) e nagpray muna ulit ako... Ayun na! So, yung kakabog kabog kong heart, surprisingly, eh kumalma. The night went on smoothly although mejo may mga sablay sablay on the side (di naman kami perfect), eh natuwa naman kahit papaano ang mga bossings (bale, ang mga andun lang naman eh yung 2 sr. mgrs ng Marketing, Treasurer, VP at mga iba pang matataas na tao ng Medicard. Wow!). Ang pinakamasarap pa don eh yung bigyan ka ng positive comments ng mga guests. Teehee!
Sa totoo lang, nag-enjoy ako sa paghohost pero hindi ko inamin sa co-host ko ito kasi baka ako na naman ang isama nya sa paghohost sa mga future events. Masaya, masaya... Tapos daming photo opp. Hehehe... Eto, nagpost ako ng ilan... Proud din ako sa make-up ko nyan kasi ako lang sa sarili ko nag-make up nyan :)"and our last winner for the MPI Elite Circle goes to... Mr. Gorgonio Lopez III!" :-D
Smile lang while waiting for the winners to come up the stage...Okeeiii... Acknowledging the VIPs

Sunday, December 20, 2009

A visit to my artist

Joseph "Joe" Saliendra - Multi-awarded tattoo artist, Harley Davidson enthusiast, a cool dad and husband... Those are just the adjectives I can give my Tat Artist Joe. Siya na ata ang pinaka-cool na taong nakilala ko. Ikaw na ang maging open book sa kliyente mo na tatlong beses mo pa lang nakikita... Astig di ba?! Ganun si Joe... Siguro para wag na ring kabahan yung mga clients nya pag may session, kaya dinadaldal nya. Hehe... Pero sa tatlong beses naming nagkita, etong last visit ko (Dec. 19, 2009) ang talagang naka-ututang dila ko sya ng husto. Sa first two visits ko kasi, kasama ko yung kumpare nya na friend ko so syempre habang may session kami, ang kausap nya e yung kumpare nya. Etong last visit ko, ako lang at sya. So nalaman ko na yung daughter pala nya eh 20 years old na at may boyfriend na, tapos yung bunso nya eh high school na. Pero hindi mababakas sa face ni Joe na may anak na syang ganon katanda. Happy person kasi si Joe... Siguro may mga problema din sya paminsan minsan pero he smiles a lot. Naisip ko, talagang if you always smile, eh matagal kang tatanda. Nakwento nya sa kin ang konting family life nya, ang pagkamit nya ng minimithi nyang Harley, at ultimo mga cute experiences nya with his dog. Etong si Joe, from a small shop sa Alabang, may pwesto na sa BF at wag ka, hi-tech ang shop nito--yoko na idescribe, visit nyo na lang sya. Hehe... AT, sa layo ng narating nya as Tattoo Artist, eh talaga namang bow ako... But, Joe is a very humble person. Walang ka-ere ere sa katawan... Kahit na yung mga kliyente nya na mismo ang nagsasabi ng mga katagang "if it's from Joe's, then it must be good", he'll just smile. At sa gitna ng tunog ng kanyang tat machine, Baba Boom ng Eat Bulaga at boses nya mula sa pagkukwento, eh natapos ang isa na namang obra (naks, obra talaga) na ang naging canvas eh ang aking beywang... (ayan ang pic, fresh ink by Joe Saliendra. Kainis lang kasi wala ako pic with the Master)
Note: Photo of Joe Saliendra was snatched from a flickr account via google. Whoever owns it, pahiram ng pic ni Joe ha.

Wednesday, December 16, 2009

Christmas Party... in Malabon (late post)

Okeii, better late than never... Nawalan kami ng internet for ilang days kaya naman ang mga dapat kong iblog e hindi ko naiblog agad... Anyhow...

So bakit sa lahat ng Christmas parties eh ito ang napili kong iblog? Kase, first time kong makapagChristmas Party sa very far Malabon... at first time kong makapunta sa Malabon. Grabe ganun pala ka-far yon... Super! Parang nagmistulang si Donkey ako ng Shrek habang nagbabyahe dahil walang patumangga akong nagtatanong ng "are we there yet?" sa bawat stop ng bus. Kaya nga ata ako hinika at nilagnat ng bonggang bongga dahil sa pagod...

Anyhoo... Ang lahat ng pagod ko ay parang wala lang kasi sobrang sulit ang party! Daming food and games tapos tinupad pa ng monito ko yung nasa wish list kong illusion lens. Nanalo din pala ako sa isa sa mga games. Yung game na yon consists of two teams with five members each. Ang props ay five paper bags na naka-line mejo ilang steps from the two teams. Hindi alam ng two teams ang laman ng paper bags pero pag start na ng game, e isa isang pupunta sa naka-line na paper bags ang member ng team. Pagbukas nya ng paper bag, kailangan nyang kainin ang ano mang nasa loob ng paper bag, dapat ubos ito before the next member can go sa next bag. Fear Factor daw ang tawag sa game na ito. Laking pasasalamat ko na lang at napunta sa kin eh hilaw na ampalaya na mga 5.5 inches ang haba, kumakain ako ng ampalaya kaya naubos ko sya ng parang bubble gum lang ang nginangata ko. Sobrang tuwa ako kasi nakuha ko yung pinaka-bet kong prize--oil burner na color yellow. Start pa lang ng programme namin yung yellow oil burner na talaga ang gustong gusto kong makuha. Tuloy naniniwala na ko na kung ano talaga yung gustuhin mo e makukuha mo. May mga iba pang games like the famous Pinoy Henyo, Banana Eating, Charades at ang Trip to Jerusalem. May inuman din pero isang baso lang naman ng Red Horse ang nainom ko... Ayoko na kasi tumawag ng uwak at masasayang lang ang gabi ng lahat.

Kahit na walang tulugan ang party na ito (derechong umuwi ako 5:30am), eh parang hindi naman ako napagod. Masaya din kasi kasama yung mga friends ko from work, kumbaga lahat kami eh click :) Bakit kasi minsan lang sa isang taon ang mga holidays tulad nito?? Di ba pwedeng araw-araw na lang para araw-araw din tayong masaya na parang walang problema... Anyway, sa inyong mga kaibigan ko na nagdiriwang ng Pasko, Maligayang Pasko!

Monday, December 7, 2009

Emoterang Frog...

5:30PM... Out na ko sa trabaho. Nag-time out sa Kronos at naghintay sa elevator. Last break pala ng isa kong agent so kasabay ko sya pababa. Makulit itong agent na to, pero mabait... at dahil close kami, nakukuha nyang busga-busgahin at asar asarin ako. Never naman ako na-offend sa mga pang-aasar nya ng biglang "Ay single... single..." kala ko naman kumakanta sya ng song na di ko alam, nung tiningnan ko sya at tinanong kung anong sinasabi nya napabulalas na naman sya ng "single... single... walang sundo..." Di naman ako napipikon sa mga ganitong tuksuhan eh pero ewan ko ba nung time na to bigla kong nasabi sa kanya "loko ka ah, asarin mo na ko sa lahat wag lang yan" in fairness, pabiro ko naman tong sinabi sa kanya with playful suntok sa braso nya. After non nagtawanan pa kami paglabas ng elevator... Pero nung naghiwalay na kami at mag-isa na lang ako... Paglabas ko ng building bigla na lang akong nalungkot... Tama nga naman sya, wala akong sundo at doon bigla kong namiss ang may sumusundo sa kin... Namimiss ko na rin ang may sinasabihan ng "I Miss You" at "I Love You"... Pati na rin ang pagtetext para lang itanong ang mga sumusunod: "How's your day?", "Kumain ka na ba" o di kaya naman "House ka na ba? Tired?"... Namimiss ko na rin ang may nagtatanong sa kin ng whereabouts ko at kung nakauwi na ba ko o di kaya naman ang weekly visits sa bahay o kaya naman ang pamamasyal sa mall at kung san san... Syempre pa, lalo akong na-Emo ng madaanan ko ang Salcedo Park na punong puno ng Christmas Lights at lovers na nagjo-jogging o nagpapahinga sa mga benches at naghaharutan o nagkukwentuhan... Dagdagan pa ng malamig na simoy na dumadampi sa mga pisngi ko't braso. Napapa-"haaayyy" na lang ako eh habang nasa background ko ang mga nagsasayawang mga ilaw sa Ayala Triangle... Muntik na talaga tumulo ang luha ko non pero naisip ko "I'm sure there's someone out there for me... better than any guy na naging parte ng buhay ko" sabay kanta ng "I gotta feeling... That tonight's gonna be a good night" ...Ok na ulit ako :)

Sunday, December 6, 2009

Writer's Block

...meron ako nito ngayon kahit hindi naman ako writer. Hindi ko kasi ma-collect ang thoughts ko samantalang ang dami kong topics sa isipan. Marami ring mga katanungang kumikiliti ng aking brain cells... ang kaso, hindi ko alam paano ko isusulat o uumpisahang ilathala ang tungkol sa mga topics kasi hanggang intro lang yung nasa isip ko tapos di ko na alam ano ilalagay ko sa body ng topic na yon...
Eto ang mga topics na nasa isip ko:
1.) Babies/Sanggol/Infant
2.) Bands in general
3.) Black Saturday (hango sa tunay na buhay)
4.) BS-ing, at ang pinakahuli
5.) New Year's Resolution
Haaayyy... Eto na nga lang blog ko ang nagbibigay aliw sa kin, eh di ko pa ma-maximize... kamusta naman?! *frustration ahead*